Abante Tonite Interactive

VP Leni pikon na sa destab plot

By
7

Wala nang ibang nakikita at pinagdiskitahan ang administrasyon Duterte pagdating sa hindi namamatay na isyu ukol sa destabilization attempt kontra sa pamahalaan kundi ang Liberal Party (LP).

Ito ang napipikon nang pahayag ni Vice President Leni Robredo kasabay ng pagtawag nitong naging isang ‘whipping boy’ na lamang ang LP ng Duterte administration.

Ayon sa Pangalawang Pangulo tuwing may mga mainit na isyu, ang agad na nakikita at pinagbibin­tanga­n ay ang LP kung kaya hindi na rin umano makatarungan para sa kanilang partido ang mga iresponsableng akusasyon na wala namang basehan.

“Parating whipping boy iyong Liberal Party.­ Ako, tingin ko very unfair accusation iyon. Kung mayroong ganoong paratan­g, sana mayroong basehan na maayos,” giit pa ni Robredo kasabay ng pagsasabing, nakita­ niyo naman siguro na iyong lahat na oras namin at effort­, sa pagtrabaho”.

Dagdag pa ni Robredo­, sa dami umanong problemang kinakaharap ngayon­ ng bansa ay hindi nakakatulong ang mga ires­pon­sableng pahayag sa halip dapat na magkais­a at magtulungan.