Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni: PNoy legacy `di mabubura sa kasaysayan

0 89

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na kasaysayan ang siyang huhusga kay dating Pangulong Benigno `Noynoy’ Aquino III sa kabila ng mga batikos at maling akusasyon laban dito ng mga kritiko.

“The past 5 years have been painful for us because we saw, first hand, how wrongful accusations and disinformation were spewed to diminish his legacy. A lot of people were made to believe them but facts and numbers don’t lie. I have no doubt that history will give him his due,” ayon kay Robredo.

Sinabi pa ni Robredo na si Aquino ay isang mabuting halimbawa ng isang public servant.

Nagsilbing kalihim sa gabinete ni Aquino ang pumanaw na mister ni VP Leni na si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo.

Inalala naman ni dating Energy Secretary Rene Almendras ang `no wang-wang’ policy na ipinatupad ni Aquino nang maluklok na pangulo noong 2010.

“Hindi naman po illegal mag-wang-wang kung talagang pulis ka o nasa puwesto ka. But, ang punto ho ni PNoy, hindi mo kailangan gawin ‘yan, ‘wag mong gawin ‘yan. Kahit may kapangyarihan ka, ‘wag mong gawin para abusuhin,” sabi ni Almendras sa isinagawang necrological service para kay Aquino sa Ateneo de Manila University noong Biyernes.

“‘Yan po ang dahilan bakit ayaw po niya ng wang-wang,” dagdag niya.

Maliban sa `no wang-wang’ policy, tumatak din noon sa panunungkulan ni Aquino ang slogan na `Daang Matuwid’ o malinis na gobyerno matapos ang halos 10 taon ng administrasyong Arroyo, na nabahiran ng mga paratang ng korapsiyon. (Kiko Cueto/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.