Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni puwede mauna sa bakuna – Roque

0 92

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na puwedeng mapabilang si Vice President Leni Robredo sa mga unang maturukan kontra COVID-19 sa sandaling simulan na ang vaccination program ng gobyerno.

“Kung gusto po ni Vice President, she is welcome also to join us. At kung inyong matatandaan, sa kanya nagmula ang pahayag na handa siyang magboluntaryo,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na kuwalipikado si VP Leni para sa mga nasa priority list na unang maturukan ng bakuna kontra COVID-19.

“Pasok na pasok naman po si VP Leni. Hindi pa naman po siya senior,” dagdag ni Roque.

Aniya pa, puwedeng makasabay ni Robredo ang iba pang opisyal ng gobyerno na nagboluntaryo para unang maturukan ng Sinovac vaccine.

Sabi ni Roque, handa siya gayundin sina vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., Health Secretary Francisco Duque III at Defense Secretary Delfin Lorenzana na paturok ng bakuna ng Sinovac.

“Kung papayagan tayo ng National Task Force at Department of Health ay kasama tayo sa mauunang magpabakuna para magbigay kumpiyansa sa ating mga kababayan para mawala ang kanilang agam-agam,” sabi ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.