Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni sa 1Sambayan: Pagsamahin lahat ng oposisyon

0 76

Nanawagan si Vice President Leni Robredo ng pagkakaisa at huwag itsapuwera ang iba pang nasa oposisyon matapos na ianunsiyo ng koalisyong 1Sambayan ang kanilang listahan ng mga nominado para sa pagka-pangulo at bise presidente sa halalan sa 2022.

“`Pag pinag-usapan natin ang unity, hindi `yong unity ng pareho lang na paniniwala. Pero pagbibigay `yon ng espasyo para sa iba na iba ang paniniwala sa atin,” ayon kay Robredo sa kanyang lingguhang programa sa radyo.

Binanggit pa nito ang Pangulong Rodrigo Duterte na dapat aniyang malaman kung bakit maraming “attracted” sa punong ehekutibo.

SM food to go Banner Ad

“Kailangan intindihin, bakit maraming attracted sa Pangulo, bakit maraming attracted sa ganitong klaseng politiko. Kailangan `yon i-recognize. `Di puwede sabihin na tayo lang ang magaling, tayo lang ang matino,” paliwanag pa ni Robredo.

Aniya, dapat laging bukas para pakinggan ang iba.

“Kasi kung sarado tayo, walang mangyayari,” ani Robredo. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.