Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni sa mga politiko: Virus puksain muna bago eleksiyon

0 67

Bagama’t hindi partikular na pinangalanan, nagpasaring si Vice President Leni Robredo sa mga politiko na tutukan muna ang kaso ng COVID sa halip na pagtuunan ang May 2022 election.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Robredo sa tinukoy nitong maling prayoridad ng mga kila¬lang government officials na ngayon pa lamang ay nag-iingay na para sa kanilang sariling karera at partido.

“Nakikita mo ‘yon ngayon, ‘yong mga malalaking politiko, may election o walang election, election ang nasa isip. Nalulungkot lang ako,” pahayag ni Robredo.

Ayon kay Robredo habang patuloy ang paglobo ng kaso ng CO¬VID-19 sa bansa ay dapat mas dito tumutok ang mga politiko at hindi sa national election.

“I hope that politicians would focus on what matters most—to lessen the blow of the virus and help Filipinos survive the pandemic,” dagdag pa ni Robredo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Patuloy ang iringan sa partido ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinibak ng PDP-Laban ang sarili nitong vice pPresident na si Energy Secretary Alfonso Cusi, secretary-general Melvin Matibag at Membership Committee head Astra Naik dahil sa lantarang pagsuporta sa presidential candidacy ni Davao City Mayor Sara Duterte na mula sa Hugpong ng Pagbabago.

Iginiit ni PDP-Laban President Manny Pacquiao na guilty sa disloyalty ang 3 dahil sa pagsuporta kay Mayor Duterte sa 2022 election.

Ang Davao na pinamumunuan ni Mayor Sara at apat pang siyudad sa Mindanao ang may pinakamataas na COVID cases sa labas ng National Capital Region at nasa high risk mula pa noong Mayo.

Sa pinakahuling OCTA Research List base sa datos na nakuha nito sa Department of Health (DOH) ay nasa 90% o very high ang hospital intensive care unit utilization rate (ICUUR) sa Davao at nasa 303 cases ang naitatala araw araw.

Bukod sa Davao kabilang pa sa high risk areas Bacolod, Iloilo, General Santos, Cebu, Baguio, Cagayan de Oro, Tagum, Calamba at Butuan. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.