Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni tinarget ng fake news sa bakuna

0 322

Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na hindi siya ang nasa viral photo na tinuturukan ng bakuna laban sa COVID-19 sa Marikina City.

“Ayoko na sanang patulan pero ang daming nagpapadala ng mga screenshots. Kung hindi kayo busy, pa-report na lang please,” sabi ni Robredo.

Sa viral post, makikita ang isang babae na tinuturukan ng bakuna pero hindi nakataas ang sleeve o manggas ng damit.

SM food to go Banner Ad

Umani ng mga batikos ang post kung saan sinasabing mali ang ginawa ni Robredo na makapagpabida lang.

Pero sa mismong post din sinagot ng ilang netizen na ang tinurukan ay pediatric surgeon ng ospital at may butas sa gilid ang manggas ng damit nito kung saan itinurok ang bakuna.

Dinepensahan din ng mga netizen si Robredo at sinabing paninira lang ito sa Bise Presidente. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.