Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni tinukuran mga doktor sa Sinovac isyu

0 114

Sinang-ayunan ni Vice President Leni Robredo ang panawagan ng mga doktor ng Philippine General Hospital (PGH) na dapat dumaan pa sa masusing pag-aaral ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang bakuna laban sa COVID-19 na gawa ng Sinovac bago iturok sa mga Pilipinong health worker.

“Ako mismo, hindi ko binibili `yong ganoong argument na dahil donated, hindi na kailangan ng positive recommendation ng HTAC,” sabi ni Robredo sa kanyang programa sa radyo nitong Linggo.

Nilinaw pa ni Robredo na hindi niya sinasabing masama ang Sinovac bakuna kundi nais lamang na masigurong dumaan ito sa proseso para matiyak na protektado ang mga Pinoy.

SM food to go Banner Ad

Una nang nagpahayag ang PGH Physicians’ Association na kahit pa Sinovac lang ang tanging bakuna na available sa bansa ay dapat pa rin itong dumaan sa HTAC.

Ang HTAC ay binubuo ng mga health expert at siyang nagsusuri ng mga COVID-19 vaccine na inaapruba ng Food and Drug Administration (FDA) at bumubuo ng rekomendasyon sa Department of Health (DOH) kung aling bakuna ang dapat bilhin para sa taumbayan.

Una nang sinabi ng HTAC na hindi pa ito naglalabas ng rekomendasyon sa paggamit ng bakuna ng Sinovac at “naghihintay pa ng datos” na kinakailangan para matapos ang kanilang assessment. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.