Abante Tonite
Mabilis sa Balita

VP Leni wala sa plano pagtakbong pangulo

0 349

Tadhana ang pagiging pangulo ng bansa, ayon kay Vice President Leni Robredo.

Sa panayam sa radyo noong Miyerkoles, sinabi ni Robredo na wala siyang planong tumakbo sa 2022 presidential election.

Dagdag niya, ang posisyon ng pangulo ay hindi napagpaplanuhan.

“I am not planning to run. It is always a possibility. Pero ang pagtingin ko kasi sa presidency, destiny eh. Isa siyang posisyon na hindi napagpaplanuhan,” ani Robredo.

“Isa siyang posisyon na kung para sa ‘yo, magiging sa ‘yo `yon. Kung hindi para sa ‘yo, kahit anong gawin mong pagpaplano, hindi ‘yon mapapasayo. Kaya para sa akin, sayang `yong pagplano. Kung para sa ‘yo, mangyayari `yon,” dagdag niya.

Mas mabuti na rin aniyang pagtuunan muna ang mga kinakaharap na problema ng bansa bago isipin ang paparating na eleksyon.

“Bakit hindi na lang muna tayo magkasundo, gawin natin `yong trabaho natin ngayon. ‘Pag oras na ng eleksyon, saka na tayo mag-away away sa politika. Pero kung mag-aaway away na tayo ngayon dahil pinaghahandaan natin ‘yung 2022, para sa akin, waste of time, waste of energy, waste of resources,” giit niya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.