Abante Tonite Interactive

VP Robredo, dapat tularan

By
9

Dahil sa pagsasabing wala siyang ambisyon na maging Pangulo ng bansa, marami ang humanga at tumitingala ngayon kay Vice President Leni Rob­redo, ayon kay Senador Francis ‘Chiz’ Escudero.

“It’s the character that we should see officials in government,” diin ni Escudero.

Matatandaan na noong sabihin ni Pangulong Rod­rigo Duterte na gusto ng mga “yellow” o ng Li­beral Party (LP) na patalsikin siya sa puwesto, agad naman itong itinanggi ni Robredo sa pagsasabing wala siyang ambisyon na maging Pangulo ng bansa.

Abante Hiring – IT dep

Nagbitiw na sa gabinete ni Pangulong Duterte si Robredo matapos itong pagbawalan na dumalo sa mga cabinet meeting.

Ayon naman kay Escudero, maaari lang mapatalsik si Robredo bilang vice president kung mata­talo ito sa electoral protest case na inihain ni da­ting Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., o kaya ay masampahan ito ng impeachment case at ma-convict ng Senado.