Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vucevic, Bulls ginutay Nets

0 156

Tumikim din ng panalo ang Chicago sa unang pagkakataon matapos kalawitin si Nikola Vucevic sa trade deadline noong March 25.

Nagsumite si Vucevic ng 22 points at 13 rebounds pang-ayuda sa 25 points ni Zach LeVine at kinubabawan ng Bulls ang kulang sa taong Nets 115-107 sa 75th NBA regular season game Linggo sa United Center sa Illinois.

Naiwan sa Brooklyn si James Harden para ipahinga ang right hamstring tightness. Hindi pa rin nakakabalik si Kevin Durant mula left hamstring strain.

Pinag-start ni coach Steve Kerr ang dalawang bagong acquisition ng Nets na sina Blake Griffin at LaMarcus Aldridge.

May 11 points si Aldridge at 10 points, 8 rebounds kay Griffin, panegunda sa 24 points at 15 assists ni Kyrie Irving.

Umagwat ng siyam sa first quarter ang Brooklyn pero inari ng Chicago ang second 32-18 para sa 57-46 lead sa break.

Itinuloy ng Bulls ang ragasa sa third, malayo na sa 89-72 papasok ng fourth.

Nagdagdag ng season-high 19 points at 11 assists si Tomas Satoransky sa Bulls.

Napigil sa 34-16 win-loss slate ang Brooklyn pero nasa unahan pa rin ng Eastern Conference kaakbay sa parehong kartada ang Philadelphia na natalo sa Memphis 116-100. May 20-28 ang Chicago. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.