Abante Tonite Interactive

WA sa IOC: Iatras ang Tokyo Games

0 338

Hiniling ni World Athletics President Sebastian Coe ng England kahapon sa International Olympic Committee (IOC) na i-postpone na lang ang 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokjyo, Japan upang tuluyang putulin ang agam-agam at ang patuloy na pag-aalinlangan kung maisasagawa o hindi ang ang quadrennial sportsfest.

Giniit ng world governing track and field body sa IOC na iatras ang paligsahang nakatakda sa Hulyo 24-Agosto 9 dahil sa global crisis na hatid ng coronavirus disease.

Sa sulat kay IOC President Thomas Bach ng Germany, pinahayag ni Coe na ang pagsasagawa ng Tokyo Olympics sa orihinal na palaro sa Hulyo-Agosto na “neither feasible nor desirable” dahil na rin aniya sa patuloy na pandemic killer virus.

“I write to you to request that the Games be moved,” giit ni Coe kay Bach.

Idinahilan pa ni Coe ang competition fairness, ang epekto at halaga ng COVID-19 outbreak sa training at karagdagang panganib sa mga atleta na mga injury bilang tatlong pangunahing rason ng organisasyon para ibahin ang petsa ng Olympics.

Inesplika pa ng WA, ang unang International Federations (Ifs) na humiling sa IOC na ikansela muna ang event na “remains available and at the ready to help secure a new date for the Tokyo 2020 Olympic Games.”

Sinabi ng double Olympics 1,500 metres champion na ang pagpaliban sa Tokyo 2020 ay tuluyang mag-aalis sa “real anguish” at “uncertainty” ng mga atleta dahil sa pandemic at epekto nito sa kanilang training at qualification sa Tokyo Games.

“No-one wants to see the Olympic Games postponed but as I have said publicly, we cannot hold the event at all costs, certainly not at the cost of athlete safety, and a decision on the Olympic Games must become very obvious very quickly,” hirit ni Coe.

“I believe that time has come and we owe it to our athletes to give them respite where we can,” paliwanag niya.

Ang pahayag ng isa sa dalawang prayoridad na Olympic sport ang naganap matapos ang emergency meeting ng IOC Executive Board kung saan nalaman sa organisasyon sa unang pagkakataon mula sa publiko ang pagkukunsidera sa pag-postpone sa Tokyo 2020.

Sinabi ng IOC na maglalabas ng desisyon sa Games sa susunod na apat na lingo kahit inulit nito na “a cancellation is not being considered.” (Lito Oredo)