Abante Tonite Interactive

Wacnang, Monsanto, iba pa sa All-Star Derby

255

Larga ngayon sa Big Dome ang 150 matinding sultada ng mga sikat at matagumpay na breeder ng manok-panabong sa bansa na kabilang sa ginagalang na Thunderbird Winning Team sa pagsambulat ng 6-Cock All-Star Derby.

Magtutuos sina World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby champion Congressman-elect Engr. Sonny Lagon, Dicky “Mr. Cool” Lim, Vendivil ng Nueva Ecija, 4-time World Slasher winner Tata Rey Briones ng Masbate, Gov. Eddie ‘Bong’ Plaza ng Agusan del Sur, back-to-back Slasher champ Frank Berin ng Isabela, BNTV Cup’s Joey Sy, Bakbakan champ Engr. Sonnie Magtibay ng Palawan at Ormoc Gold breeder Bernie Tacoy.

Kasali rin sina Boy Marzo ng La Union, Redbull Gamefarm’s Carlos Tumpalan, Bicolano Teng Rañola, Cong. Larry Wacnang ng Kalinga, Bebot Monsanto ng Cebu, Paolo Malvar ng Tarlac, Mayor Jesry Palmares ng Iloilo, Ormoc City’s Winnie Codilla, Dennis de Asis ng Bacolod, atbp.(Enjel Manato)