Abante Tonite Interactive

Wade, Nowitkzi napiling All Star sa huling pagkakataon

316

Parehong NBA champions at Finals MVPs sina Dirk Nowitzki at Dwyane Wade.

Sa huling pagkakataon – one final time – ay magi­ging All-Stars sila.

Mula kay Commissioner­ ­­Adam Silver, idinagdag sina Wade at Nowitzki sa pool ng players para sa All-Star Game sa Feb. 17 (18 sa Manila) sa Charlotte. Kaya sa halip na ang nakagawiang 12, may tig-13 players na ang Team LeBron at Team Giannis.

Sina LeBron James at Giannis Antetokounmpo bilang captains ang magdedesisyon kung saang team maglalaro sina Wade at Nowitzki. Sa draft sa Feb. 7, (Feb. 8 sa Manila), first pick si James sa first round para sa starters. Si Antetokounmpo ang first pick sa second round kapag pinaghatian nila ni James ang 14 reserves. Si James ulit ang top pick sa third round, para kina Wade at Nowitzki.

“He better pick me,” biro ni Wade para kay LeBron, kaibigan at teammate niya noon sa Miami.

Last Dance na ni Wade ng 2018-19, magre-retiro na pagkatapos ng 16 seasons. Naka-21 seasons na rin si Nowitzki, lahat sa Dallas, at posibleng huli na niya ngayon.

Nasa kanyang 13th All-Star si Wade, 14th kay Nowitzki.
“Looking forward to sharing that stage with y’all again 1 last time,” tweet ni James.

Isa na si Nowitzki sa pinaka-busy sa All-Star weekend. Siya ang hono­rary coach ng Team World sa Rising Stars game laban kay Kyrie Irving ng Team US, kasali rin sa 3-point shootout.

Three-time NBA champion si Wade sa Miami, binitbit ni Nowitzki ang Mavericks sa 2011 NBA title – kontra Heat para resbakan si Wade na tumalo sa Dallas sa 2006 title.