Abante Tonite Interactive

Wade, Nowitzki isasahog sa All Star

By
161

Idinagdag ni NBA commissioner Adam Silver sina Dwyane Wade at Dirk Nowitzki bilang mga extra sa All-Star Game sa Feb. 17 (Feb. 18 sa Manila) sa Charlotte, North Carolina.

Dalawang dating pinakamaangas sa liga, honorary members na ng midseason extravaganza.

May pinagsamang 27 All-Star appea­rances ang dalawa – 14 kay Nowitzki, 13 kay Wade.

‘Last Dance’ na ni Wade ang 2018-19, sinabing magreretiro na siya pagkatapos ng 16 seasons. Walang nabanggit si Nowitzki, pero mas malamang na huli niya na rin nga­yong season matapos ang 21 taon na lahat ginugol sa Dallas.

Pinagtig-isahan ng dalawa ang meeting sa NBA Finals – kay Wade noong 2006 nang tapusin ang Mave­ricks sa mismong homecourt sa Dallas sa anim na laro, makalipas ang limang taon ay rumesbak si Nowitzki sa Miami laban kina Wade at LeBron James.

Si Nowitzki ang nag-iisang fo­reign-born player na kabilang sa pitong 30,000-point scorers ng NBA.

Busy siya ngayong weekend, dahil bukod sa honorary All-Star ay sasabak din sa 3-point shootout at coach ng World team laban sa US team ni Kyrie Irving sa Rising Stars game.

Ang German sni­per ang tanging 7-footer na naghari sa 3-point contest noong 2006.

Sa laro, inaasahan na ni Nowitzki na parang extra lang siya sa pelikula.

“It’s going to be fun to be part of and watch, maybe coach some, maybe get in for a minute or two,” anang 2007 MVP. “But really I think that game is more about the guys that deserve to be there and got voted in.”

Ang kapareho niyang hindi ibinoto, ganito rin ang pa­nanaw.

“Me and him have had our fair share of All-Star games,” sambit ni Wade. “This is a lot different for what we’re looking to get out of it. I’m glad it’s me and Dirk. I think it fits.”