Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wade, O’Neal nagtapon ng pera

0 133

Sky is the limit!

Inamin ng dalawang National Basketball Association (NBA) legend na sina Dwyane Wade at Shaquille O’Neal na minsang nagtapon sila ng pera.

Kuwento sa ‘Shark Tank’ ni Shaq, `one-hour millionaire’ pa noon ang peg niya dahil sa loob lang ng isang oras ay winaldas niya ang $1M niya sa pagbili ng mga alahas, mamahaling sasakyan at trip to Vegas.

SM food to go Banner Ad

Di rin ikinaila ni Wade ang pagiging gastador nang kabataan din niya.

“I blew through a lot of money,” kwento ng retirado na ring basetbolista. “I got into bad relationships with people from … ventures outside of basketball, restaurant ventures, etc.”

Pero nadala naman ang dalawa kaya nangangaral sila ngayon sa mga gastador na ilagay sa tamang bulsa ang kanilang kinita upang may mabunot pa rin pagdating ng panahon. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.