Abante Tonite Interactive

Wade pinakain ng alikabok si Mitchell

By
0 309

Pinakitaan ng veteran move ni ­Dwyane Wade si rookie Donovan Mitchell Linggo ng gabi sa Miami.

Sumugod si Wade bago iniwan si Mitchell sa final possession ng Miami, nakabingwit ng foul kay Rudy Gobert sa rim at ibinaon ang dalawang free throws 3.2 seconds na lang sa laro para buhatin ang Heat sa 102-100 panalo kontra Utah Jazz.

Nagkaroon ng huling tsansa ang Jazz pero umalog muna bago iniluwa ng rim ang 3-pointer ni Mitchell sabay sa tunog ng final buzzer.
Nag-rally ang Heat mula maagang 19-point deficit at naligtasan ang ­larong inabot ng 17 lead changes at 16 deadlocks.

Nagsumite si Hassan Whiteside ng 23 points at 20 rebounds para sa Miami, humugot ng tig-16 pa mula kina Josh Richardson at Kelly Olynyk. Tumapos si Wade ng 15.

Hinintay lang ni Heat coach Erik Spoelstra kung tatawag ng timeout si Wade sa last possession. Hindi humingi ng ceasefire, alam na ni Wad ang gagawin habang hawak ang bola sa tuktok – magda-drive siya sa gawing kanan ng lane, aatake sa basket at bahala na kung ano’ng mangyari.

Kabisado na raw ng veteran guard ang gagawin.

“It’s like putting on an old glove,” pakli ni Spoelstra. “We’ve been in that situation so many times before. It was very natural for him to read everything.”

Pinangunahan ng 23 points ni Ricky Rubio ang Utah, may 19 si Jae Crowder at tumapos ng 18 mula sa 8 for 24 shooting si Mitchell para sa Jazz.