Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wag agad maghugas-kamay

0 831

Kontrobersyal na naman sa mga panahong ito ang Philippine National Police (PNP) matapos masangkot ang siyam nitong operatiba sa pagkamatay ng apat na miyembro ng Philippine Army (PA) sa isang operasyon sa Jolo.

Nauna nang sumigaw ng ‘rubout’ ang kampo ng mga sundalo particular ang Army at iginigiit na walang misencounter o shootout na nangyari katulad ng pinapalabas ng PNP.

Paratang ng Army pinatay ang apat nilang kabaro.

Pero heto ang PNP sa pangunguna ng spokesman na si Bernard Banac at nagsasabing misencounter ang nangyari.

Masyadong maselan ang kaso para agad na maghugas-kamay ang PNP.

Hindi ba dapat hinayaan muna ng PNP na gumulong ang kaso bago magdeklara ng misencounter na wala namang malinaw na basehan?

Napaparami na ang salto ng PNP mula sa kaso dati ni NCRPO Debold Sinas sa quarantine protocol aba’y mas malupit ang isyung ito PNP chief Archie Gamboa.

Masyado nang napapahiya ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pinaggagawa ng inyong mga tauhan.

Sobrang laki ng tiwala sa inyo ni Pangulong Digong para pahiyain nyo sya sa klase ng pamumuno na inyong ginagawa.

****
Natawa naman ako sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque nang maeskandalo dahil sa pagsu-swimming nya sa isang resort sa Subic ngayong panahon ng pandemya.

Sabi ni Roque wala siyang nilabag na batas sa kabila ng may ipinaiiral na quarantine status.

Hindi aniya sya lumabag katulad ng ginawa ni NCRPO Chief Debold Sinas na may pa-mañanita noong mag-birthday dahil solo lang umano siya nag-swimming.

Kung may kasama man sya ay mga dolphin.

Ibig sabihin mismong mga kasama sa gobyerno ay batid pa rin ang pagkakasala sa batas ni Sinas pero wala silang magawa dahil gusto pa ng Pangulo na manatili sila sa puwesto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.