Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Wag iligaw ang isyu sa PPE overpricing – Lacson

0 79

Maituturing na isang “ruined nation” ang Pilipinas kapag nabigo ang gobyerno na makita ang iregularidad sa diumano’y overpricing sa mga personal protective equipment (PPE).

Ginawa ni Lacson ang pahayag isang araw matapos itanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi bumili ang pamahalaan ng overpriced PPE at itinuro ang nakaraang administrasyon na siyang gumawa umano nito.

“Dapat isaalang-alang ang presyo sa paggastos ng gobyerno gamit ang buwis ng mamamayan, sa kahit na kanino mang administrasyon,” sabi ni Lacson.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Lacson, dapat maging mas mapanuri ngayong panahon ng pandemya, lalo na kung umabot na sa bilyon-bilyong piso ang sobrang pagtaas ng presyo ng mga biniling medical supply gamit ang pondo ng taumbayan, habang naghihirap pa lalo ang mga Pilipinong nawawalan ng hanapbuhay.

“Kung wala tayong nakikitang mali – o inililigaw pa natin ang atensyon ng publiko sa bagay na ito, tunay nga na nasalanta na ang ating bansa,” ani Lacson.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.