Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Wag itulad sa tatay! Anak ni Defensor kampi sa Dos

0 1,619

Pumalag ang anak ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na si Mikee sa mga nagpapatama sa kanya dahil sa pagkakabasura ng ABS-CBN franchise application.

Sa tweet ni Mikee, sinabi nito na hindi patas na sabihin ng publiko na parehas ang kanyang opinyon sa ama, at nilinaw na madalas silang magkaroon ng pagtatalo sa isyu ng prangkisa ng Kapamilya network.

“I’ve had my own share of arguments and debates in my own home in order to prevent all this from happening,” saad ni Mikee, na 4th year law student sa Ateneo.

Aniya pa, iba man ang kanyang opinyon ay ang kanyang ama pa rin ang may kontrol sa isyu dahil ito ang nasa Kongreso.

“But at the end of the day, I’m not the one in Congress. And more importantly, I am NOT my father,” aniya pa.

Kaugnay nito, pinaabot ni Mikee ang kanyang pagdadalamhati para sa 11,000 manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa desisyon ng House committee on legislative franchises na huwag nang bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Samantala, wala namang problema para sa kongresista na taliwas ang pananaw ng kanyang anak tungkol sa ABS-CBN franchise, at sinabing mananatiling proud pa rin ito sa kanyang anak.

“I have no problem with her political position. I have always encouraged dissent and differences in opinion. I just explain my stand and the basis of my position every time that there are issues discussed in public,” paliwanag ng kongresista.

Kabilang si Defensor sa 70 mambabatas na bumoto para ibasura ang franchise renewal ng ABS-CBN noong Biyernes. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.