Abante Tonite Interactive

‘Wag kakalimutan ang tunay na isyu

281

Dear Abante Tonite:
Habang ‘di kanda-ugaga ang mga netizen sa usaping ‘Ghosting’, cheating ng mag-jojowa sa showbiz ay tila ba nalilihis na rin ang atensyon ng nakararami sa tunay na isyung kinakaharap ng bansa.

‘Kung anong maingay ‘yun ang pakikinggan’ at dahil nga natabunan na ng ingay ng Julia-Gerald-Bea ang isyu sa bansa ay nakalimutan na ang unti-unting pagkamkam ng naturingan tropa ng mga Pinoy, ang mga Tsino, sa mga bahagi ng bansang napatunayan (kasaysayan at batas) na sa atin.

Nakakalungkot isipin na ang bilis mapukaw ng ating atensyon. Naglalaan tayo ng napakaraming oras sa mga chikang ‘di naman makapagpapayaman sa ating pang-unawa sa halip ay pinagtutuunan natin ng pansin ang mga isyung wala naman talagang kinalaman sa ating personal na buhay.

Likas nga ba talaga tayong chismoso/chismosa o sad-yang nakikisunod lamang tayo sa kung ano ang maingay. Maging daan nawa ito upang mabuksan ang kamalayan n gating mga mamamayan na ilaan ang mahahalagang oras sa mga bagay na mahalaga. Kung paanong ayaw nating napag-iiwanan sa chika ay ‘wag din nawa nating hayaang mapag-iwanan ng tuluyan at magising nalamang isang araw na hindi na pala sa ating ang bansang pinakamamahal natin.
Daniella Olivia Segismundo-Sanchez ng Mandaluyong