Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Wag kargado

0 104

Kagaya lang ng karaniwang paghanga sa magaganda at guwapo, kadalasang nabibighani ang mga naghahanap ng segunda-manong sasakyan sa porma, borloloy na nakakabit at maging sa mga modifications na ginawa sa mga ito.

Karaniwan na lamang na nabibighani ang isang baguhang naghahanap ng sasakyan sa gara ng tunog ng stereo, tikas ng mags at bangis ng andar ng makina na bunga ng pagkalikot at pagpapaingay sa tambutso.

Well, totoo naman kasi na karamihan sa mga ito ay katanggap tanggap dahil bilang baguhan sa sasakyan, ang iisipin ng mga bumili base sa porma ay nakatipid sila dahil hindi na kailangan na mag-ipon pa ng pondo para sa pagbihis ‘ika nga.

Ang dapat lamang na iwasan ng mga tumitingin sa porma ng bibilhing sasakyan ay modifications sa makina.

Maari kasing mas malakas ang mga modified na makina kumpara sa mga stock lamang at may mga pagkakataong hindi na naiisip ng mga nakabili na ito ay mangangahulugan ng mas malaking gastos sa kanila sa usapin ng maintenance.

Halimbawa lamang, ang isang kotse o SUV na mas pinalakas ang horse power (para sa tulin) kumpara sa factory setting niya ay nangangailangan ding palitan ang mga preno upang matapatan nito ang bagong katangian.

At kadalasang ang mga piyesa ng mga modified na makina at preno ay sa mga specialty shops lamang mabibili, hindi kagaya ng stock na puwede mong dalhin sa casa o kaya ay kahit na sa talyer lamang, depende sa brand ng sasakyan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaya kung ang sasakyang mabibili ay modified ang makina, malamang sakit sa ulo ang aabutin ng bagong may ari nito sa usapin ng maintenance.

Iwasan din ang nakasound set up kung hindi rin naman marunong sa electricals ng sasakyan dahil maaring ito ay maging sanhi ng sunog o pagkasira ng mga electronics na mangangahulugan din ng karagdagan at mas malaking gastos.

Sa pagbili ng segunda-manong sasakyan, pinakapraktikal pa rin ang maging batayan ang natural na anyo at kakayahan at saka na lamang unti-unting bihisan matapos ang ilang buwan na paggamit at matiyak na wala itong seryosong problema.

Puwede rin namang kumuha ng mga naka-body kits at upgraded mags na dahil ang basic na porma ng sasakyan ay batay sa harap, likod at tagiliran nito, pati na rin sa sukat ng gulong na nakakabit.

Pakakatandaan na ang pagsasasakyan ay may kaakibat na ibayong pag-iingat, mula sa pagbili hanggang sa pagmaneho at pagmintina nito.

Ayos ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.