Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wag lang makulong! Buhay ng 2 tulak sinugal

0 65

TODAS ang dalawang drug suspect matapos umanong manlaban sa mga pulis kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay city police chief P/Col. Cesar Paday-Os ang drug pusher umano na sina Joseph Matuguina, 38, alyas “Ogag” at Ronnie Bona alias “Muslim” 37, kapwa taga-San Andres, Manila.

Nagkasa ng buy-bust ang mga tauhan ng Pasay Police Station Drug Enforcement Unit laban sa isang alyas Ogag na ilang linggo na nilang tinutugaygayan alas-9:45 ng gabi sa Amazing Show Theater sa Barangay 76 sa nasabing lungsod.

Magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa nang dumating sa lugar subalit nang tanggapin ang P50,000.00 na markadong pera kapalit ng isang pakete ng shabu sa isang tauhan ng SDEU na nagpanggap na buyer, nakatunog ang dalawa na pulis ang katransaksiyon kaya pinaharurot ang motorsiklo para tumakas.

SM food to go Banner Ad

Hinabol sila ng mga pulis pero nagpaputok ang mga ito kaya gumanti ang operatiba na ikinasawi ng dalawa.

Nakuha sa mga nasawi ang markadong salapi na kinabibilangan ng 10 pirasong genuine na tig-P1K at 40 piraso ng boodle money, plastic sachet ng shabu, kalibre .45 pistol, kalibre .38 revolver at ang ginamit na motorsiklo. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.