Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wag lang makulong, rider tumalon sa bangin

0 39

PINAGHAHANAP na ngayon ng pulis ang motorcycle rider na tumalon sa bangin para makaiwas sa checkpoint sa bahagi ng Barangay Lucog sa Tabuk City sa Kalinga Biyernes ng gabi.

Sa report na nakarating sa PNP, nagsasawa ng mobile patrol ang pulis nang biglang may paparating na motorsiklo.

Imbes na magmenor, humarurot ito kaya tumilapon ang drayber.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Rerespondehan na sana siya ng pulis dahil sa aksidente, pero agad itong tumalon sa bangin.

Nang balikan ng mga pulis ang motorsiklo, Nakita dito ang isang kahon na naglalaman ng 33 bloke ng hinihinalang marijuana.

Nang timbangin ay nasa 33 kilo ito at tinatayang nasa P4.257 milyon ang halaga. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.