Abante Tonite Interactive

‘Wag maangas sa Comelec checkpoint – PNP

By
190

Nanawagan si Phi­lippine National Police (PNP) Director Gene­ral Oscar Albayalde sa publiko na sumunod na lamang sa mga batas na mas mahigpit na ipatutupad sa pagsisi­mula ng election period kahapon para walang maging problema.

Kabilang dito ang paglalagay ng checkpoint at pagbabawal na magdala ng baril o ano pa mang armas sa labas ng tahanan.

“Gagawin nating mahigpit ito as much as we can para maiwasan ‘yung mga magdadala ng mga ipinagbabawal na gamit gaya ng firearms. Effective today ay mayroon tayong gun ban hanggang [June 12] ‘yan so hopefully ang ating mga kababa­yan ay sumunod dito sa ipinatutupad ng ­Comelec na gun ban,” pahayag ni Albayalde.

Abante Hiring – IT dep

Payo ni Albayalde, kapag may checkpoint ay buksan lang ng isang motorista ang ilaw sa loob ng kanyang sasakyan at ibaba ang bintana para makita agad ng mga pulis.

“So far, wala naman tayong nakita na nakipagmatigasan,” ani Albayalde.

Sinabi pa ni Alba­yalde na may 18 lugar ang kanilang isinailalim sa election watch list areas o EWAs para sa hala­lang gaganapin sa Mayo 13.