Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Wag mag-last minute! Comelec nakiusap sa hindi pa rehistrado

0 225

Hinimok ni Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon ang mga qualified voter na magparehistro na habang maaga pa.

“Talagang last deadly deadline ‘yang September 30 kasi kailangan pa naming gawin ‘yung project of precincts, ‘yung paglista ng mga voters sa listahan ng presinto tsaka inaassign pa namin ‘yung presinto kung saan sa mga eskwelahan at building kailangan matapos ‘yon ng November,” ani Guanzon sa isang panayam.

Basahin: Roque nagpasaklolo sa NBI

“Very tight schedule. Huwag na po kayong mag-last minute kung kaya naman ninyo magpa-rehistro na po ngayon,” dagdag pa niya.

Sa isang tweet, nakiusap rin ang comissioner na magparehistro na sa Comelec ang mga 18-anyos na kabataan.

“parang awa nyo na mag anak na 18 years old, mag pa register na kayo sa @COMELEC” aniya.

Basahin: ABS-CBN franchise ipapasa sa sunod na Kongreso

Sambit pa ng opisyal, balak na rin nilang buksan ang mga opisina ng Comelec sa bawat lokal na pamahalaan tuwing Sabado na dapat sanay disinfection day nila.

Basahin: P750 minimum wage delikado sa mga negosyo – DOLE

Una nang sinabi ni Guanzon na malayo pa sa target nilang 4 milyon ang naitalang bilang ng mga nagparehistrong botante noong nakaraang taon. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.