Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Wag magtupada – Mitra

0 237

Nag-abiso si Games and Amusements Board (GAB) chairman Abraham Kahlil Mitra sa mga sabungero na sumunod sa gobyerno at huwag na munang magtupada.

Ito’y upang mapagbigyan ang pagbabalik ng sabong at magkaroon na ng pagkakakitaan ang mga nagta-trabaho sa sabungan at mga breeder sa lalong madaling panahon.

Maraming asosasyon na sa sabong ang sumulat sa Inter-Agency Task Force, para sabihin ang kanilang saloobin.

Ayon kay Mitra mahirap kapag nahuli, lalo na ‘yung may mga lisensya sa GAB.

“Sana po sumunod tayo sa gobyerno at umiwas tayong sumali sa tupada, mahirap kasi ‘pag nahuli kayo na nasa tupadahan at lisensyado kayo ng Games and Amusements Board. Matatanggalan kayo ng lisensya tulad ng nangyari sa Batangas,” saad ni Mitra sa Abante Radyo Tabloidista-Usapang Ruweda nitong Linggo na mga napapanood sa YouTube, Abante Facebook at Abante Online.

Bukod sa GAB, ilang mga asosasyon ng breeders at sabungero ang sumulat din sa IATF para hilingin ang pagbabalik ng sabong. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.