Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Wag makulit! Mga korap sa BOC pinasisipa ni Digong

0 60

Ipinatutupad na ngayon ang rigodon o balasahan sa Bureau of Customs (BOC) bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin sa katiwalian ang ahensiya at pigilan ang pagpasok ng iligal na droga sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagbigay na ng go signal ang Pangulo kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero para alisin ang mga tiwali at linisin ang ahensiya.

“Binigyan naman po siya ng mandato ng Presidente na magpatupad ng pagbalasa at binigyan din siya ng marching order to get rid of drugs sa ating mga Puerto,” ani Roque.

“Ang aking huling balita ngayon diyan sa Customs, ini-implement [na] ang reshuffle. It is ongoing as we speak,” dagdag ni Roque.

Matatandaang noong nakalipas na Lunes ay pinagsabihan ng Pangulo si Guerrero na ayusin ang BOC dahil sa kabila ng COVID-19 pandemic ay nakalulusot pa rin sa bansa ang iligal na droga. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.