Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Wag manloko ng kapwa-Rhea Tan

0 57

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi nagbabawas ng ambassador ang Presidente at CEO ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Habang lumalago ang negosyo ay lalong nadadagdagan ang Beautederm family.

Kamakailan ay nag-renew ng kontrata ang Bulacan Board Member na si Alex Castro at ang bida ng “Babawiin Ko Ang Lahat’ na si Pauline Mendoza.

“Another two years with you my babies,” caption ni Ms. Rei sa kanyang Facebook account.

Ang latest kasama na rin sa mga endorser si Ms. Cristina Gonzales. Magiging kapamilya na rin niya sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Piolo Pascual , Bea Alonzo, Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Korina Sanchez, Christopher de Leon, Carlo Aquino, Darren Espanto atbp.

“Today I officially join the BEAUTeDERM family with the launch of their Latest Product The C’est Clair Banishing Gel! Say goodbye to unwanted acne and feel the Magic of BEAUTeDERM’s newest Product ! make sure to follow them at Beautéderm for more Skincare essentials. #BEAUTeDERM #CestClair #BeautedermAmbassador,” post ng actress-politician sa Facebook.

Patuloy ang pamamayagpag ng kumpanya ni Ms. Rei kahit may pinagdadaanan tayong pandemya. Nagsisilbing inspirasyon ang tagumpay niya sa buhay. Mababasa nga sa kanyang Facebook account.

“Posting this to inspire

“First pic, bahay namin sa Vigan, 150sq meters. Tatlo ang kwarto. Wala kaming magarang sakyan Simpleng buhay, pero Masaya. Tinuruan ako ng mga magulang ko to be grateful lagi kung ano meron kami. Kumakain ng tatlong beses isang araw. Nabibigay nila gamit na kelangan namin magkapatid. Okay na kami. Masaya na kami. At lagi sinasabi ni mama, wag maiinggit sa kapwa. At lagi magdasal. Kase si Lord lang kakampi natin at makakatulong sa tin.

“I was a consistent honor student, kaya alam ko napasaya ko si mama at papa, lagi nanalo sa mga extra curricular activities sa school. Pinag-aral nila ako sa magandang unibersidad. Binigyan ng magandang tirahan sa Baguio, kaya wala na ko mahiling pa sa mga magulang ko. Sabi ko sa sarili ko someday, yayaman ako. titira sila sa mansion at magiging Donya Pacing at Don Mihing ( sayang nga lang di na naabutan ni Papang ko )

“Simple lng pangarap ko nun. Magandang buhay, at basta’t may pambili ng mga gusto mga anak ko. Okay na ako.

“Pero grabe si Lord! Nakapundar ako ng maraming bahay, at nakaipon na pwede na para sa mga apo ko. (apo agad besh?). At eto na nga ang dream 6 storey. Glass building ko on going na.

“Kung nakaya ko makakaya mo din beh…

“Sikreto lang nyan. Wag kang manloko at manakit ng kapwa mo. Kase totoo ung karma. Kung ano ginawa mo, maganda or masama babalik sayo.

“Un lagi turo saken mama ko, okay lang masaktan. Wag ka lang manakit anak,

“Lumaki ako na un lagi nasa puso ko. Kahit dami ako dapa, bangonnnn! Habang may buhay may pag asa.

“Lagi nila ako tanong, how did u do it? Di ko alam eh. Alang formula, nangarap lng, pero di lang para saken, pinagppray ko lagi ke Lord, Lord, gawin moko mayaman , i promise, gagawin ko din mayaman ang iba! Gusto ko mabuhay ng may purpose . Gawin lahat ng bagay ng may puso and u will never go wrong. The Ambition became my Mission.

“Pag may problema, normal lang yan ghurl! Need natin yan para mas lalo tayong maging matibay, wag mong tambayan ang problema, daanan mo lang! And lagi lumingon sa pinanggalingan, stay humble always and dont forget to share.

“Lavannn lang at dasal lagi. If you can dream it, you can do it!

God bless us! Mama Mary loves us!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.