Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Wag matakot sa disiplina! Grade 11, 12 lang sasabak sa ROTC – Bato

0 132

Kasabay ng pahayag na walang dapat ikatakot ang mga estudyante sa pagbabalik ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program sa eskuwelahan, sinabi ni Senador Ronald `Bato’ Dela Rosa na para lamang ito sa mga mag-aaral sa Grade 11 at 12.

Ayon kay Dela Rosa, tututukan niya bilang prayoridad na panukalang batas ang pagbabalik ng ROTC kabilang na rin ang death penalty laban sa mga drug trafficker at pag-amiyenda sa Continuing Professional Development.

Sa Lunes sisimulan na niya ang paghain ng mga panukala.

Nilinaw ng senador na walang dapat ikatakot ang mga mag-aaral at mga magulang sa panukalang balik-ROTC.

Sa panayam ng radio station DWIZ nitong Sabado, sinabi ni Dela Rosa na maraming benepisyo sa mga estudyante ang ROTC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“`Wag matakot, ang ROTC andyan para tulungan silang ma-develop physically, mentally at malaking tulong ito sa kanila lalong-lalo na sa kanilang personality development, pag-extend ng disiplina among the youth. Ayaw mo bang madisiplina ka?” ani Dela Rosa.

“Mas maganda `yon para mai-prepare ka sa future role in the society as an adult so kailangan nila ito ika nga ang mga parents na andyan ngayon tulungan n`yo kami i-encourage ang kabataan na mag-ROTC to prepare them for any eventuality,” sabi ng senador.

Subalit nilinaw nito na hindi magiging mandatory ang ROTC sa lahat.

“Our version is not mandatory training for all enabled body, ang version ay limited lang sa Grade 11 and 12,” dagdag pa ni Dela Rosa. (Mark Joven Delantar/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.