Abante Tonite Interactive

‘Wag namang gawing ‘Trashlacion’ ­­­— EcoWaste

292

Umapela ang EcoWaste­ Coalition (EWC) sa may 2.5 mil­yong deboto na lalahok sa 2019 Traslacion ng Black Nazarene na huwag magkalat ng kanilang mga basura.

Sinabi ni Aileen Lucero, coordinator ng EWC na huwag namang ga­wing ‘trashlacion’ ang pagdiriwang at hiniling na maging responsable ang mga deboto sa pagtatapon ng kanilang basura.

Nalaman na sa mga nakalipas na taon ng Traslacion, tone-toneladang basura ang hinahakot ng mga truck ng MMDA at lokal na pamahalaan ng Maynila tuwing idinaraos ang ‘Pahalik’ at Traslacion.

Hinimok ng EWC ang mga deboto na iuwi na lamang o ‘di kaya ay itapon sa mga ila­lagay na garbage bag ang kanilang pinagkai­nan tulad ng mga styro plate, plastic na baso, kutsara at bote ng mi­neral water.

Gayundin, umapela rin ang EWC sa mga vendor na magdala ng mga basurahan na pag­lalagyan ng kanilang mga basura.

Dapat umanong kumain na ang mga deboto bago lumahok sa Translacion para maiwasan na buntutan pa sila ng mga street sweeper na magwawalis ng mga itatapon nilang kalat habang nagpuprusisyon.