Abante Tonite Interactive

‘Wag nang magreklamo’t matigas ang ulo sumunod na lamang tayo

402

Dear Tonite:

Ang hirap sa mga tao puro reklamo pero mahirap sumunod sa mga simpleng panuntunan ng gobyerno.

Ayaw mahawa sa CoVid pero ‘yong pag uugali parang matagal nang may virus. Bakit daw may pulis at sundalo sa mga checkpoint?

Una sa lahat sino ang magbabantay sa mga checkpoint para maipatupad ang community quarantine?Anong palagay ninyo sa mga frontliner na ‘yan Avengers,’ di tinatablan ng sakit?

Tao lang din ang mga ‘yan, tulad natin may pamilya rin sila, tulad natin tao lang din sila.

Sa kabila nito ginagampanan pa rin nila ang tungkulin nila hindi lang para proteksyunan ang pamilya nila o dahil sa inutos ng Pangulo pero dahil nakaatang sa kanila na proteksyunan ang mga Pilipinong karamihan naman ay matigas ang ulo at puro reklamo.

Lagi nating isipin na mayroong ginagawang paraan ang gobyerno , ang aksyon at prebensyon ay nasa tao

Mabuti na lang at may ibang tao na marunong umintindi at pinapahalagahan nila ang trabaho ng mga frontliners.

Magaan sa pakiramdam makita na may mga tao na nag bibigay ng mga pagkain sa mga frontliner at nagpapasalamat sa kontribusyon nila sa pagpigil ng pagkalat ng virus, ganon sana.

Arkin Medina