Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wag ng gumawa ng alcohol – FDA

0 353

Inabisuhan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko na huminto na sa paggawa ng alcohol-based sanitizer dahil sapat na ang supply nito sa merkado.

Kasunod ito ng ulat na may mga nagbebenta pa rin ng nasabing disinfectant sa online bilang bahagi ng pag-iingat ngayong Covid-19 pandemic.

Sa FDA Circular No. 2020-011-A, kinansela na ng ahensya ang FDA Circular 2020-011 na may titulong “Guidelines of Alcohol Based Sanitizer formulations in Light of the Declaration of State of Calamity Due to Covid-19,” kung saan pinahintulutan ang paggawa nito nang magkulang ang supply sa merkado bunsod ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 noong Marso.

Paliwanag ng ahensya, isang interim guidelines lamang ang FDA-2020-011 na layunin noon na matugunan ang pangangailangan sa mga alcohol-based sanitizer.

“Considering however that regular supply of alcohol-based sanitizers has been restored, compounding of alcohol products by drugstores/pharmacies/boticas is no longer necessary,” saad pa sa circular na nilagdaan ni FDA Director-General, Dr. Rolando Enrique Domingo. . (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.