Abante Tonite Interactive

‘Wag n’yong pabayaan si Pochito’

301

“Mel…Miles…pakialagaan niyo na lang si Pochito…okay? Here I go…here I go.”

Ito ang huling habilin ng Razorback drummer na si Brian Velasco sa kanyang mga kaibigan bago tumalon mula sa ika-34 na palapag ng isang condominium sa Maynila bandang alas-10:00 ng umaga kahapon.

Walang iniwan na suicide note si Velasco maliban sa habilin nito na huwag pabayaan si Pochito na isa sa mga alaga niyang aso.

Mahilig umanong mag-alaga ng aso si Velasco at katunayan, noong Nobyembre 20, 2018 ay nag-post ito sa Facebook tungkol sa namatay niyang aso na si Alfie na tinawag niyang “little soldier”.

“So today I celebrate the memory of a little dog with a massive heart who up until his last days, did not complain. I will sorely miss you,” sabi ni Velasco sa kanyang post.

Nagulantang ang publiko sa kanyang pagpapakamatay na naka-Facebook Live sa Cityland Tower sa Vito Cruz St., Malate, Maynila.

Ayon sa mga taong malapit kay Velasco, depresyon ang dahilan at marami na rin umanong pagtatangka ito na magpakamatay pero napipigilan lang.

Nagsama-sama na diumano ang problema ni Velasco at may usap-usapan din na mayroon itong pinagdadaanan sa kanyang lovelife.

Napanood din ng Viva Hot Babe na si Maricar Dela Fuente ang suicide video. Kakilala niya si Velasco dahil ninong ito ng panganay niyang anak. Ka-grupo rin niya ito sa isang class sa Center for Asian Culinary Arts kung saan nag-aral din sina Pia Wurtzbach at Judy Ann Santos.

“Nakakapanghina naka-Facebook Live pa kanina. More than kapatid ko yan…sobra ako nalungkot at nabigla po,” ani Dela Fuente.