Abante Tonite Interactive

‘Wag pabiktima sa investment scam

455

Nakakaawa ang mga kababayan nating nabibiktima ng investment scam.

Pinakahuli ay ang mga biktima ng Kapa na karamihan ay mula sa Visayas at Minda-nao.

Ang laking investment ang napasakamay ng Kapa pero ang nakakalungkot na pangyayari ay nagpalabas ng freeze order sa mga ito dahil iligal ito at isang uri ng investment scam.

Kaya sana matuto na ang ating mga kababa­yan, ‘wag nang paloloko sa ganitong uri ng negosyo na kadalasan ay gumagamit pa ng relihiyon bilang front para makapambiktima ng mas marami.

***

Positibong pangyayari para kay Taguig-Pateros Congressman Alan Peter Cayetano ang dagdag puwersang nakuha niya mula sa PDP-Laban dahil pagdating sa napakainit na Speakership race ngayon, kahit isang boto lamang ay puwedeng mangahulugan ng pagkalaglag sa puwestong inaambisyon.

Kasama sa mga nagpahayag ng solidong suporta kay Alan sina Rep. Ronnie Zamora ng San Juan, Rep. Neptali ‘Boyet’ Gonzales II ng Mandalu-yong, Rep. Abraham Tolentino ng Cavite at Rep. Dan Fernandez ng Laguna.

Nauna nang nagpahayag ng suporta kay Cayetano ang mga stalwarts ng Nacionalista Party na sina Rep. Luis Raymund ‘LRay’ Villafuerte ng Camarines Sur at Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas.

Ngayong nalalapit na ang pagpili ng mga kongresista kung sino ang kanilang magi­ging lider, bawat boto ay mahalaga lalo na’t nagbigay ng posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya makikialam sa pagpili.

Kahit nasa NP si Caye­tano, naniniwala ang mga PDP-Laban solons na si Alan ang pinaka-kuwalipikadong ma­ging Speaker kumpara sa ibang Speaker hopefuls. Binigyang punto rin ng mga solon ang magandang track record ng dating Foreign Affairs secretary.

Bagama’t sinasabing hindi na rin makikialam ang presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa Spea-kership race, hindi pa rin nakakasiguro si Caye­tano kaya kailangan nitong matiyak na bawat makukuhang suporta ay magiging totoong boto kapag dumating na ang pinakahihintay niyang araw.

Mahirap nang magkaroon ng baligtaran pagdating sa araw ng botohan!