Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wag pabitag sa pautang ng China – Recto

0 73

Nanawagan si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa executive department na umiwas sa pagkakaroon ng maraming utang sa China dahil interes ng mga ito ang West Philippine Sea.

Babala nito, mahuhulog ang Pilipinas sa ‘debt trap’ o patibong sa oras na magpatuloy pa ang pag-utang ng bansa sa China habang tinutugunan ng gobyerno ang COVID-19 pandemic.

“I think that we should not be incurring more debts to China. In next year’s budget, we will be collecting roughly P2.9 trillion, but we will be borrowing P3 trillion. And maybe in the next two or three years,” pahayag ni Recto sa panayam sa CNN Philippines.

“Having said that, I don’t think we should be borrowing more from China, considering everything that’s happening in the West Philippines Sea,” dagdag pa nito.

Bagama’t hindi aniya kontra sa China, binigyang-diin ni Recto na ang pagtayo ng isla at militarisasyon sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ay nagreresulta sa instability o kawalang tatag sa rehiyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.