Abante Tonite Interactive

‘Wag patulan ang ‘Holy War’

By
8

Umapela ang isang senador sa publiko, lalo na sa mga Kristiyano na huwag patulan ang pang-uudyok ng Maute terror group na galitin ang mga Katoliko upang sumiklab ang “Holy War” sa bansa.

Ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri, bahagi ng propaganda ng mga terorista ang ginawang pagsira sa St. Mary’s Cathedral sa Marawi City upang galitin ang mga Kristiyano laban sa mga Muslim.

“Unang reaksyon natin eh galit na galit tayo, gusto nating bumawi pero hindi naman lahat ng Muslim eh ganyan,” ani Zubiri.

Aniya, hindi na kailangang patulan ang pagwasak ng Maute sa mga rebulto at pagsunog sa simbahan ng mga Katoliko dahil siguradong matutuwa ang mga terorista kung mahuhulog sa kanilang patibong na susugan ang religious war sa bansa.

“Kalma lang tayo dyan. Ang gusto ng Maute Group eh magalit tayo sa mga kapatid nating muslim. Itong mga grupong ito ay extremist jihadist,” anang senador.