Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Wag politiko, expert sundin sa balik eskuwela – Kamara

0 49

Dapat umanong bumuo ng isang team ng mga scientist at medical expert ang Department of Education (DepEd) na siyang magsasagawa ng pag-aaral kung dapat na bang ibalik ang face-to-face classes sa bansa.

Ayon kay House Committee on Basic Education and Culture Chairman at Pasig City Rep. Roman Romulo kailangang dinggin ng mga politiko o educator ang sasabihin ng mga eksperto upang tama ang maging desisyon ng mga ito.

Kahit na umano ang mga mayayamang bansa ay nahihirapan na ibalik ang face-to-face classes dahil sa banta ng COVID-19.

Ipinunto rin ni Romulo na hindi kasama sa maaaring maturukan ng COVID-19 vaccines ang mga estudyante sa elementarya at junior high school na wala pang 18 taong gulang.

Sinabi ni Romulo na bago pa man ang pandemya ay malaking hamon na sa DepEd kung papaano patataasin ang kalidad ng edukasyon na mababa batay sa mga competency review sa mga mag-aaral.

SM food to go Banner Ad

Mas lalo umano itong naging mahirap ang pagpapataas ng kalidad ng edukasyon ngayon dahil sa kakulangan ng gamit para maayos na maisagawa ang online classes.

Hindi na rin umano kataka-taka kung unti-unting mabawasan ang bilang ng mga estudyante na sumasali sa online classes dahil sa kawalan ng load at mabagal na internet.

Kung si Romulo ang tatanungin, makabubuti umano na ang ituro na lamang ngayon sa mga Grade 1 hanggang 3 ay basic skills gaya ng pagbabasa at pag-intindi sa binasa at hayaan ng DepEd na hindi masunod ang checklist na ginawa nito kung ano dapat ang mga kakayanan na mayroon ang isang estudyante.(Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.