Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Wag unfair sa ABS-CBN! GMA imbestigahan din – Barzaga

0 864

Hindi lamang ABS-CBN ang dapat masilip sa umano’y mga violation ng media company sa bansa.

Ayon kay Cavite Rep.Elpidio Barzaga, hindi magiging patas sa Kapamilya network kung sila lang ang mapaparusahan, na nauwi pa sa pagtigil-operasyon, kung hindi rin titingnan ng Kongreso ang iba pang istasyon tulad ng GMA-7 na katulad ng ABS-CBN ay nagbebenta rin ng mga Philippine Depositary Receipts sa mga banyaga, na kinuwestiyon ng ilang kongresista.

“What is applicable to ABS-CBN should also be applicable to GMA under the equal protection clause – persons similarly situated should be treated alike… The sauce for the goose, should also be sauce for the gander,” saad ni Barzaga sa panayam sa Politiko.

“It will be unfair to ABS-CBN, which lost its franchise due to the foreign-owned PDRs, if we will not investigate all mass media in the country,” aniya pa.

Isa sa mga pinuna sa report ng technical working group na tumutok sa ABS-CBN franchise renewal ay ang umano’y pagbebenta ng PDR para magkaroon ng ownership ang mga banyaga sa network, na pinagbabawal sa Konstitusyon.

Ngunit ayon kay Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado, chairman ng House committee on good government and public accountability, parehas lamang ang PDR na binibenta ng GMA at ABS-CBN.

“So far only Channel 7 has submitted theirs. I read their PDRs, and the only difference I saw [with ABS-CBN’s] was the price,” ayon kay Sy-Alvarado. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.