Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wage board inaprub P55 umento sa Bicol

0 61

Aprubado na rin ang dagdag sahod para sa mga manggagawa sa Bicol na nagkakahalaga ng P55.

Ibig sabihin nito, magiging P365 na ang minimum wage para sa lahat ng sektor sa Bicol region batay sa Wage Order no. RBV-20.

Base sa pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon, inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang umento ng mga manggagawa sa Bicol subalit hindi kaagad na makukuha ito ng buo kundi dalawang bigayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ibibigay muna ang P35 kapag epektibo na ang wage order at isusunod ang balanseng P20 sa Disyembre 1, 2022.

Itinaas din ang sahod ng mga kasambahay sa P4,000 sa bisa ng Wage Order No. RBV-DW-O2 kung saan ang umento ay P1,000 para sa mga nasa chartered city at first class municipality habang P1,500 naman sa iba pang bayan.

Nabatid na huling nagkaroon ng umento sa Bicol region noon pang Setyembre 21, 2018. (Mina Navarro/Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.