Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wage reduction scheme inaabuso – Villanueva

0 245

Hiniling ni Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) na linawin ang Labor Advisory No. 16 na inisyu noong Mayo sa pagbabalik operasyon ng mga negosyo dahil inaabuso aniya ng ilang employer ang naturang panuntunan.

Sa kanyang liham kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, sinabi ni Villanueva, chairperson ng Senate committee on labor, na nakatanggap siya ng mga ulat mula sa mga manggagawa kung saan ang kanilang mga employer ay nagpapatupad ng wage reduction scheme na taliwas sa advisory ng kagawaran.

Sabi ni Villaneuva, dapat magkaroon ng malinaw na ‘grievance mechanism’ sa Labor Advisory No. 17 kung saan ang mga manggagawa ay maglahad ng posibleng iregularidad sa pagpapatupad ng wage reduction scheme. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.