Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Waiter nangharbat ng alak

0 111

Arestado ang isang waiter matapos mabuking sa pagnanakaw ng mamahaling alak sa loob ng 7-eleven convenience store sa Mandaluyong City kamakalawa ng umaga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinasuhan ng theft thru shoplifting ang suspek na si Reynan Panlaque y Sarte, 32-anyos, matapos mabuking ni Lorrie Filasol y Bagoyo, 26, team leader ng 7-eleven store sa Shaw Boulevard High Point, Medical Hub, Barangay Bagong Silang, Mandaluyong City.

Ayon kay Filasol, napansin niya ang suspek na isinisilid sa kanyang pantalon ang isang bote ng Jack Daniels na 700ml na nagkakahalagang P1,370. Aktong palabas na ito ng tindahan nang kanyang sinita. Nang walang maipakitang resibo ay agad na pinahuli kay Panlaque. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.