Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Waiters puwedeng bigyan ng singsing

0 109

Anuman ang resulta ng NBA Finals, posibleng magkaroon ng championship ring si Dion Waiters.

Manalo ang Lakers, sigurado siya sa ring. Makasilat ang Heat, posible rin siyang magkaroon ng isa.

Naka-10 games sa Heat si Waiters ngayong season bago niligwak ni coach Erik Spoelstra. Napunta siya sa Grizzlies pero ginarahe lang hanggang damputin ng Lakers noong March bago suspendihin ang mga laro dahil sa coronavirus.

Related Posts

Pagkatapos ng season restart at playoffs sa bubble sa Orlando, huling naiwang nakatayo ang Los Angeles at Miami para magbuno sa kampeonato. Game 1 kahapon.

Maraming isyung kinasangkutan si Waiters sa Heat kaya binuro sa bench.

Pinakamatindi rito nang abutin ng panic attack sa team plane habang pabiyahe ng LA noong December. Nasobrahan daw siya ng kain ng cannabis-infused gummies.

Win-win si Waiters, ‘yun ay kung ikokonsidera ng Miami na abutan siya ng ring sakaling makasilat ang Heat. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.