Abante Tonite Interactive

Wala akong inahas, nilandi! – Julia

630

Diretsahan nang sinagot ni Julia Barretto ang tungkol sa umano’y pagkakaroon­ nila ng relasyon ni Gerald Anderson.

Sa ulat sa “TV Patrol”, itinanggi ni Julia na naging boyfriend niya si Gerald at hanggang ngayon ay wala rin silang relasyon.

“Hindi ko siya naging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon.
Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas at wala rin akong nilandi,” hayagang sagot ni Julia.

“Hindi ako nililigawan. Naniniwala ako na may tamang panahon at oras para sa mga bagay na ganyan,” dagdag pa niya.

Nilinaw din niyang hindi si Gerald ang dahilan ng hiwalayan nila ng nobyong si Joshua Garcia habang nananatiling matalik na kaibigan niya ang una.

Aniya, walang third party sa breakup nila ni Joshua at mutual decision lang nila ito na makakabuti sa kanila.

“Ayaw na namin i-damage ‘yong isa’t isa. So we protected each other because there is love,” saad ni Julia patungkol sa hiwalayan kay Joshua.

Sa ngayon ay “so much in pain” umano si Julia pero kailangan niyang magpakatatag.

Magugunitang nag-trending ang love triangle nina Julia, Gerald at Bea Alonzo kamakailan kung saan inakusahan ang una ng pagiging third party. (Issa Santiago)