Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Wala akong kinakatakutan’ Gordon, Pacquiao haharapin ni Go

0 106

Handang harapin ni Senador Bong Go ang anumang imbestigayon sa kanya ng Senate ethics committee kaugnay ng kanyang ugnayan sa da­ting opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) na sangkot sa diumano’y overpriced na mga suplay para sa pan­demya.

“Kung may mag-file man ng reklamo laban sa akin sa committee on ethics, rerespetuhin ko naman ang desisyon ng mga kapwa kong senador,” sabi ni Go sa isang statement.

“Kung gusto nila akong imbestigahan, imbestigahan po nila. Wala naman akong itinatago. Wala rin akong kinatatakutan dahil alam kong wala akong ginawang mali, lalo na pagdating sa disorderly o unethical behavior na sakop ng komiteng iyan,” dagdag pa nito.

Naniniwala ang senador na paiiralin ng Senado ang pagiging patas at tamang proseso sakaling matuloy ang pagsiyasat sa kanya ng ethics committee.

“Kung napatunayan nilang may ginawa akong mali, tatanggapin ko kung anuman ang nasa batas o Senate rules,” ani Go.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Walang pili po dapat ang hustisya. Pero hindi naman puwedeng haka-haka at patutsada lang,” saad pa nito.

Si Senate blue ribbon committee chairman Dick Gordon ang nagpalutang na ideya na isailalim sa ethics probe si Go kaugnay ng kanyang kaugnayan kay dating Budget Undersecretary Christopher Lloyd Lao.

Si Lao ang pinuno ng DBM Procurement Service chief nang bilhin ang diumano’y overpriced na face mask at face shield.

Tiniyak naman ni Senador Manny Pacquiao na kanyang aaksiyunan ang reklamong ihahain laban kay Go sa oras na ihain ito sa Senate ethics­ committee kung saan siya ang chairman.

Apat na senador ang pabor na imbestigahan ang kaugnayan ni Go sa dating mga opisyal na sangkot sa kuwestiyonableng pagbili ng COVID-19 supplies. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.