Abante Tonite Interactive

Wala akong sinuntok — Matteo

1,665

Giniit ni Matteo Guidicelli na wala siyang sinapak na ­kahit sino sa naging kasal nila ni ­Sarah Geronimo noong Huwebes, ­Pebrero 20.

Magugunitang nagpa-blotter sa Taguig ­Police ang bodyguard ni Sarah tungkol sa pananapak umano sa kanya ng aktor matapos niyang isumbong kay Mommy Divine ang lihim na pagpapa­kasal ng dalawa.

Sa “TV Patrol” report, nagpasalamat si Matteo sa mga pagbati sa kanila ni Sarah.

Natawa pa siya nang malamang nag-trending ang hashtag na #Mrs.Guidicelli sa Twitter matapos kumalat ang balitang kasal na sila ni Sarah.

Pero iginiit niya na wala siyang sinuntok at mas mahalaga aniyang protektahan ang mga taong nagmamahal sa misis niya ngayong si Sarah.

Dahil sa kasal kay Sarah, naniniwala si Matteo na sa lahat ng kanyang pinagdaanan ay “love conquers all”. (IS)