Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wala munang MVP – Marcial

0 215

Dahil sa coronavirus pandemic 2019 o COVID-19, biglaang binalasa ng PBA ang season, nakatuon sa direksiyon na isang conference na lang ang ilarga sa unang pagkakataon sa 45-taong kasaysayan ng Asia’s first pro league.

Puwersado na rin ang PBA na baguhin ang season awards.

“Malamang BPC lang tayo,” pagbbubunyag kahapon ani commissioner Willie Marcial.

Best Player of the Conference na lang ang highest individual award, mahirap ipamigay ang MVP.

“Hindi kasi p’wedeng season MVP dahil kulang tayo ng mga usual number ng laro,” dagdag ng PBA chief. “Hindi na p’wede ‘yung Mythical Teams.”

Ilan pa sa pinamimigay sa kada katapusan ng taon sa liga sa Leo Awards ang Rookie of the Year, Sportsmanship Award at Most Improved Player.

Mabibitin muna ang mga awards na ‘yun para sa 45th Season ng PBA.

Kinansela ang liga noong March 11 matapos ang isang laro lang sa season-opening Philippine Cup. Pinakamaagang posibleng balik nito sa September.

“’Yung sa awards, ang thinking sa ngayon, masyadong magiging limitado ang mga laro kaya ‘yung usual formula natin sa pag-determine ng mga awardee hindi p’wedeng i-apply,” wakas na sambit ni Marcial. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.