Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wala na kalaban! GMA Affordabox mabenta sa masa

0 248

RP

Parang pandesal na madaling maubos — ganyan inilarawan ni GMA chairman and CEP Felipe Gozon ang bentahan para sa kanilang bagong Digital Terrestrial Television (DTT) receiver na ‘GMA Affordabox’.

Sakto ang paglabas nito ng GMA matapos na tigil-operasyon na ang kanilang karibal na network na ABS-CBN, pati na rin ang kanilang sariling digital box na TV Plus.

Ayon kay Gozon, nalampasan na ang kanilang projection na 600,000 units na mabebenta sa pag-shift ng network mula analog patungong digital broadcast.

Aniya pa “There is now a transition from analog to digital, and many many of our people have digital TV sets ready for digital reception, so we need to have this transition where you need to put this box for an anlog TV set to be able to receive digital transmission.”

Ilan sa feature ng Affordabox na wala sa ibang DTT receiver ay pwedeng makapag-record ng mga palabas dito, pati na rin ang pagkakaroon ng emergency warning system.

Target ng GMA Network na makapaglabas ng isa o higit pang digital channel ngayong taon.

“That is true. In GMA, we do things gradually. The first one is ‘The Heart of Asia’ which is already being done and there is one more digital channel, and perhaps one or two more,” ani Gozon.

“So about three more digital channels. I just cannot remember the timing but some of them within the year.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.