Abante Tonite Interactive

Wala nang asim (2)

809

Dear Dr. Holmes: (shortened April 27 letter)

I’m 29; my foreigner husband, 44.
When we were still BF-GF, our sex life is so active; now we’re married, there are no more firewrks. I understood that maybe this is what is marriage all about, being comfor­table and being fami­liar with each other.

It is not used to be as ‘hot’ as we were still BF-GF thing. It’s like a mutual fee­ling that we agreed on even if just holdin­g hands. Is that really true, Dr. Holmes? Helen

Dear Helen:

Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pinublish nang buo kahapon. At sinabi ko na ang karanasan ng maraming tao ay halos kagaya ng karanasan ninyo: Napaka­tindi at mainit na pagsisiping sa una pero pagkatapos ay hindi na kasing tindi at ka­sing dalas ngunit hindi ibig sabihin nito ay wala nang pag-ibig.

Para sa iba, buma­baba ang sex drive kahit hindi nawawala ang pag-ibig dahil nagbago ito. Sa halip na pag-ibig noong una na para sa isang babaeng kaakit-akit (kagaya ng kanyang asawa), ay na­ging pag-ibig na lang nang para sa isang kapatid. Kapag nangyari ‘yan, talagang bababa ang pagsisiping pero hindi lang ‘yan, bababa rin ang init para sa asawa, kasi tinuturing na ito bilang isang kapatid.

Ang pag-unawa ko sa inyong relasyon, ay nagmamahalan pa rin kayo bilang mag-asawa. Mayroon pa ka­yong pagnanasa para sa isa’t isa. Maaa­ring bumaba lang ito sa pag­lipas ng panahon dahil ‘yan talaga ang nangyayari sa lahat sa atin. Ang kutob ko ay bumaba para sa asawa mo ng mas mabilis kaya’t nagtataka ka. Pero ang goodnews naman ay unti-unti mong maiintindihan (at matatanggap) na ganito rin pala ang buhay mag-asawa.

Sana ay sulatan mo ulit ako, dearest He­len, kung mayroon pa akong maipaglilingkod sa iyo. Ingat—MG Holmes.

***

Si Dra. Holme­s ay nagsusulat sa TONITE sa Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook tuwing Huwebes, 7:00 pm.