Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wala nga bang ginawang masama ang DOH?

0 144

Walang sawa sa pagdepensa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Health Secretary Francisco Duque kaugnay ng pagsita ng Commission on Audit (COA).

Sa 2020 COA report ay muling sinita nito ang DOH sa maraming pagkukulang sa paggasta sa P67.3 bilyong pondo ng kagawaran.

Sabi ng Pangulo ay walang ginawang masama si Sec. Duque at wala raw maaring magnakaw mula sa kaniyang administrasyon.
Sige na nga ‘wag na natin muna pagtalunan kung may ninakaw o wala pero malinaw naman ang natuklasan ng COA na maraming deficiency o sa wikang Filipino ay pagkukulang.

Isang halimbawa rito ay ang naaksayang pondo ng DOH sa mga biniling gamot na nag expired na at iba ay malapit ng mag expire o ‘yung iba pa ay nakatambak lang sa bodega.

Bumuwelta rin si Pangulong Duterte sa COA dahil agad daw isinapubliko ang report nito na dapat ay hintayin muna na maisa ayos ng DOH ang mga dokomento sa mga transaksiyon at sa pag gamit ng pondo.

SM food to go Banner Ad

Pero alam ba ng Pangulo na mula pa sa 2018 at 2019 COA report ay nangyari na ang pag-aaksaya ng pondo ng DOH partikular sa pagbili ng maraming gamot pero marami na expired na at naimbak lang sa bodega.

Ang madaklap nito mula 2018 at 209 ay inulit na naman ng DOH sa 2020 ang pag-aaksaya ng pera ng bayan at maraming natuklasan ang COA na may expired na, malapit mag expire at maraming nakaimbak lang sa bodega ang mga gamot.

Sana ay maintindihan ng Pangulo na ang pondo ng DOH ay mula sa buwis ng taumbayan at panay ang utang natin para ipantustos sa pagresponde sa pandemya.

Hindi ako abogado pero paalala po natin sa Pangulo na wala sa kaniyang hurisdiksiyon para sitahin o pakialaman ang trabaho ng COA na isang independent constitutional commission na nakasaad mismo sa ating Saligang Batas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.