Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Wala pang booster shot sa naturukan ng Sinovac

0 72

Walang plano ang gobyerno na bigyan ng booster shot ang mga medical worker na una nang naturukan ng Sinovac vaccine.

Inihayag ito ng Malacañang sa harap ng payo ng mga eksperto sa Thailand at Indonesian government na bigyan ng booster shot ang kanilang mga medical worker na nagka-COVID kahit pa bakunado na ang mga ito ng Sinovac.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gumagana ang COVID-19 vaccine sang-ayon sa pahayag ng eksperto na si Dr. Edsel Salvaña.

Kinondena aniya ni Salvaña ang ulat na marami ang namatay na health worker sa Thailand pero hindi naman nilinaw kung ilang daang libo ang nabakunahan ng Sinovac. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.